Yan yung tapos na kayo, pero tinetetext mo pa, yung galit na galit ka na, pero mahal na mahal mo pa.
(via sharkbait-hoohahaa)
Day 16 - A picture of someone who inspires you
LOLA. <3
Its been 6 years since you went ahead, but you still inspire me up to this day.
Siya ang dahilan kung bakit galit ako sa Cancer. Kinuha ng cancer ang pinakamamahal kong lola. Nalaman nalang namin nung stage IV na. Yung kasambahay kasi namin, naglalaba siya tapos may dugo yung sando ni Lola. Breast Cancer. Fuck. Naging second home namin ang hospital.
Chemo therapy, surgery, pinunta pa namin sa Manila for treatment. ginawa namin lahat maextend lang buhay ni Lola. It gave us 2 more years. Naka-byahe pa nga kami papuntang HongKong eh. Three months later, she passed away. Peacefully. :)
Heartbreaking yung news sakin. Lola ko eh. 10 years akong lola’s girl. Siya kanya ako nakakapit lagi, hindi kila Mama at Papa. Sinundo ako from school, sabi sakin “Wala na si Lola mo” tapos hindi ako umiyak. Nung nakarating kami sa bahay, inaakyat na yung labi ni lola. Ayun, dun na bumuhos yung luha ko. Wala na si Lola.
Nung araw ng libing niya, MAY PERIODICAL EXAM KAMI. Alam niyo yun? Hindi ako naka-attend ng libing ng pinakamamahal kong Lola. Ang sakit. Hindi ko man lang siya nakita for one last time.
Pero inaadmire ko talaga si Lola. Idol yan eh. May pagka-war freak HAHA. Hinabol pa nga si Lolo na may hawak na kutsilyo. HAHA. I miss her badly. Strong yan, si Lola. Madiskarte at masayahin. I look up to her. I know she’s somewhere happy naman na. I love you La :)